-- Advertisements --

ILOILO CITY – Agaw pansin ang isang Mangyan nang kinuha nito ang kanyang diploma suot ang tradisyunal na bahag sa graduation sa kolehiyo sa Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Anthony Suday, sinabi nito na bago pa man siya makapag-aral sa kolehiyo, simple lang ang kanilang pamumuhay sa kanilang Tribu Alangan sa Mayba Pag-asa, Occidental Mindoro.

ay Ayon kay Suday, noong elementarya naglalakad lamang sila ng dalawang oras papunta sa kanilang eskwelahan sa Mindoro.

Dahil lumaki sa hirap, mismoang ama ni Suday ang nagtulak sa kanya na makapagtapos ng pag-aaral.

Nabigyan naman ng pagkakataon si Suday na makapagpatuloy ng pag-aaral matapos tinulungan ng guardian nito na si Rene Sausa nang bumisita ito sa Occidental Mindoro.

IpPinagpatuloy ni Suday ang kanyang sekondarya sa Balasan National High School sa Balasan, Iloilo hanggang sa makapasok ng kolehiyo sa Northern Iloilo Polytechnic State College (NIPSC) Batad Campus.

Dahil lumaki sa pagsasaka at sa mithiin nito na mapaunlad ang kanilang pamumuhay sa bukid, napili ni Suday ang kursong Bachelor of Science in Agriculture sa NIPSC.

Napag-alaman naman na si Suday ay ang pinakaunang miyembro ng Indigenous Peoples (IP) na nakakuha ng college degree sa buong NIPSC system.