Binasura ng federal judge sa New York ang pagharang ni US President Donald Trump sa banko na ipasakamay ang mga financial records sa kongreso.
Ayon kay US District Judge Victor Marrero ng Manhattan, na hindi tama ang alegasyon ni Trump na ang pangulo, pamilya at mga negosyo ay ligtas sa anumang kaso habang ito ay nakaupo pa.
Nauna ng pinapasumite ni Manhattan District Attorney Cyrus Vance ang personal at corporate tax returns at ibang records mula 2011 at 2018 ng mga longtime accounting firms na Mazars USA.
May kaugnayan ito sa criminal investigation na isinasagawa sa pangulo at kaniyang pamilya.
Iginigiit ng mga abogado ni Trump na may immunity si Trump bilang pangulo ng US at masasampahan lamang ito ng kaso kapag umalis na ito ng puweseto.
Dagdag ng Manhattan District Attorney Vance, nais lamang nilan malaman ang paggamit ni Trump ng mga pera sa pagbabayad gaya ng ginawa nitong pagbabayad sa dalawang babae noong 2016 election na kaniyang nakarelasyon.
Magugunitang hinarang ni Trump ang Deutsche Bank AG na nagpasakamay ng financial records na kinabibilangan ng tax returns na hinihingi ng committees ng House of Representatives.
Isinagawa noon ang Oral Arguments ng kaso na isinagawa ng federal appeals court ng Manhattan noong Agosto 23.