-- Advertisements --

Binalaan ni Manhattan Judge Juan Merchan si dating US President Donald Trump dahil sa pagsambit ng mga salita laban sa jurors.

Naganap ang insidente sa ikalawang araw ng pagdinig sa hush money criminal case ng dating pangulo.

Sinabi ni Judge Merchan na ayaw niyang takutin ang kaniyang juror habang sila ay nasa korte.

Sa nasabing pagdinig ay mayroong anim na jurors ang naupo para sa nasabing pagdinig.

Kinasuhan si Trump ng 34 felony counts ng pamemeke ng kaniyang business records noong 2016 election kung saan naghain siya ng not guilty plea.

May kaugnayan ang kaso sa pagbayad ni Trump sa isang adult star na si Stormy Daniels para ito ay manahimik at ng hindi makasira sa halalan.

Pineke umano ni Trump ang business record kung saan ang nasabing pera umano ay ibinayad sa abogado niya na humahawak ng kaniyang kumpanya.