Naglunsad na ng manhunt operation ang Federal Bureau of Investigation at US marshals laban sa mga magulang ng isang teenager matapos na iulat ng mga awtoridad na missing ang mga ito.
Kasunod ito ng pagsampa ng prosecutor ng involuntary manslaughter charges laban sa magulang ng 15-anyos na si Ethan Crumbley na sina James at Jennifer Crumbley dahil sa kanilang “egregious” acts sa pagbili ng baril noong Black Friday at ginamit ng kanilang anak na ikinasawi ng apat na estyudyante sa Michigan high school at ilan pang sugatan sa Oxford high school.
Depensa naman ng isang criminal defense attorney sa Georgia na posibleng hindi tumakas ang mag-asawang Crumbley, batay na rin aniya sa kaniyang karanasan sa mga ganitong sitwasyon na maaaring nagpanic lamang ang mga ito.
Nauna nga rito, ayon sa mga imbestigador lumabas ang teenager na si Ethan Crumbley mula sa comfort room ng kanilang eskwelahan na may dalang baril at pinagbabaril ang mga estudyante sa may hallway.
Sinampahan naman ang 15-anyos na si Ethan bilang adult with terrorism, murder at iba pang kaso.
Itinuturing na deadliest sa US K-12 campus mula 2018 at ika-32 insidente ng pamamaril mula August 1.