-- Advertisements --

Nakikipag-ugnayan na ngayon ang Philippine National Police (PNP) sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa pag-aresto sa mag asawang Tiamzon.

tiamzon1

Ayon kay PNP chief General Debold Sinas, natanggap na nila ang direktiba mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) na gumawa ng karampatang aksiyon para ma-neutralize ang mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon.

Sinabi ni Sinas, ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Intelligence Group (IG) ang pangunahing kikilos para sa pag-aresto sa Tiamzon couple.

Nitong nakalipas na Biyernes, hinatulang guilty ng Quezon Regional Trial Court Branch 216 ang mag asawa sa kasong kidnapping at serious illegal detention na may katumbas na parusa na reclusion perpetua o hanggang 40 taon ng pagkakakulong.

Samantala, hinikayat naman ni Sinas ang mag-asawa na sumuko na lang at harapin ang kanilang kaso.