-- Advertisements --

Inilunsad ng mga awtoridad ang manhunt operation sa ikalawang Canadian national na ti-nag sa nakumpiskang 1.4 toneladang shabu sa Alitagtag, Batangas.

Una ng napaulat na ang nasabing mga suspek na Canadian ay kapitan ng 2 pribadong yate na ginamit sa pagdadala ng tinatatayang P9.68 billion na iligal na droga sa bansa noong nakalipas na linggo.

Nang salakayin ng joint police teams ang 2 bahay sa Barangay Natipunan sa Nasugbu, Batangas na umano’y nirentahan ng mga Canadian, nabigong maaresto ng mga awtoridad ang mga suspek.

Walang laman ang mga bahay at walang iligal na mga droga na nakita sa lugar.

Bilang resulta, sinibak sa posisyon ang Nasugbu police dahil sa umano’y iregularidad sa paggampan ng kanilang tungkulin.

Ipinalit naman si Major Nemecio Calipjo Jr. bilang officer-in-charge ng Nasugbu police.