-- Advertisements --

Magsasagawa ang mga transport group na PISTON at MANIBELA ng dalawang araw na tigil pasada sa darating n Setyembre 23 at 24.

Ayon sa grupo na patuloy ang ginagawang panggigipit umano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa kanilang confirmation para makapagrehistro.

Hiling din ng grupo sa LTFRB na maibalik ang 5-taon na validity ng kanilang prangkisa at kasama rin sa pagsasagawa ng tigil pasada ang marahas na dispersal sa kanilang kasamahan sa lungsod ng Bacolod.

Inaasahan na lahat ng mga miyembro nila sa buong bansa ang lalahok sa nasabing tigil pasada kung saan dumarami na ang mga miyembro nila na kontra sa pag-phaseout sa mga traditiona jeep at ang isinusulong ng gobyerno ng modernization program.