Iginiit ni Manibela chairman Mar Valbuena na handa silang lumaban sa oras na gamitan sila ng puwersa para arestuhin at pagbawalang magprotesta.
Kaugnay ito ng dalawang araw na protest action at tigil pasada sa susunod na linggo.
Ayon kay Valbuena, karapatan nilang maglahad ng pagtutol para polisiyang hindi nakakatulong sa kanilang hanay, kaya hindi sila masisisi kung patuloy silang kumukontra sa jeepney consolidation.
Maliban sa grupong Manibela, may protesta rin ang PISTON sa harapan ng Korte Suprema, para sa kanilang petisyon na pigilan ang implementasyon ng consolidation ng PUVs.
Una nang sinabi ng LTFRB na wala na silang maibibigay na extension sa mga grupong ayaw mag-consolidate dahil ilang ulit na itong napagbigyan.
Magiging unfair din umano ito sa tumalima agad sa batas para sa modernization program.