-- Advertisements --

Nais ng grupong Manilbela na sa pag-upo ng bagong kalihim ng Department of Transportation (DOTr) ay tuluyan ng tanggalin nito ang jeepney modernization program.

Ayon sa grupo na dapat sa pag-upo ni Transportation Secretary Vince Dizon ay unahin na isuspendi ang pagpapatupad ng programa.

Mahalaga din na ituloy din nito ang pagbibigay ng prankisa sa mga jeepney operators na hindi nakapag-consolidate.

Handa rin aniya ang kanilang grupo na magkaroon ng pag-uusap ukol sa ilang mga isyu.

Magugunitang nagbitiw sa kaniyang puwesto si Transportation Secretary Jaime Bautista dahil sa nais nitong tutukan ang kalusugan at papalit sa kaniya si Dizon simula Pebrereo 21.