-- Advertisements --
transport strike province

Inihayag ng transport group na Manibela (Malayang Alyansa ng Bus Employees at Laborers) na itutuloy nila ang kanilang transport protest sa Lunes, kasabay ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon sa Manibela, na ang 3-araw na protesta ay magsisimula kasabay ng martsa malapit sa Commonwealth Avenue.

Layunin ng protesta na ipahayag ang pagtutol ng grupo sa deadline sa Disyembre 31 para sa consolidation phase ng PUV modernization program.

Sinabi ng grupo na ang mga driver nito ay pinagkaitan ng mga ruta ng mga lokal na pamahalaan at mga korporasyon sa ilalim ng government’s route rationalization plan.

Sa Lunes, sinabi ng LTFRB na magkakaroon ng libreng sakay sa ilang ruta sa Metro Manila na maaapektuhan ng tatlong araw na transport strike.