-- Advertisements --
Kasado na ang gagawing tatlong araw na “tigil-pasada” ng grupong Samahang Manibela Mananakay at Nagkaisang Terminal ng Transportasyon (Manibela).
Sinabi ni Manibela president Mar Valbuena gaganapin ito mula Hunyo 10 hanggang 12.
Nasa 100,000 ng mga miyembro nila ang lalahok na galing sa Metro Manila, Calabarzon, Central Luzon, Ilocos Region at Cordillera Adminstrative Region.
Magsasagawa rin ang mga ito ng kilos protesta sa harap ng opisina ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ikinagalit ng grupo ang paghuli sa mga pampasaherong jeepney na hindi nakasali sa consolidation.