-- Advertisements --

May libreng sakay para sa publiko ang transport group na Manibela sa araw ng Pasko at Bagong Taon.

Sinabi ni Manibela President Mar Valbuena, na isa itong pasasalamat sa mananakay dahil sa pagsuporta sa kanilang ipinaglalaban.

Magsisimula ang libreng sakay mula alas-5 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga at mula alas-4 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi.

May nakapaskil na libreng sakay sa mga pampasaherong jeep na maaaring parahin ng ng mga mananakay.

Magugunitang patuloy na ipinaglalaban ng grupo ang Transport modernization program ng gobyerno.