-- Advertisements --

Inanunsyo ng transport group na Manibela na magkakasa sila bukas July 22, ng transport strike kasabay ng ikatatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Manibela chairperson Mar Valbuena, hindi bababa sa 4,000 ng mga miyembro nito ang sasali sa tigil pasada bilang protesta laban sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Magsisimula ang Manibela ng kanilang protesta sa tanghali sa Commission on Human Rights office sa Diliman, Quezon City.