-- Advertisements --

Naniniwala ang transport group na Manibela na tuluyang maibabasura ang Public Transport Modernization Program.

Sinabi ni Mar Valbuena ang pangulo ng grupo na malakas ang puwersa ng mga senador kahit na iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos na ito ay dapat ituloy.

Sa gagawin nilang tatlong araw ng kilos protesta ay nais nilang iparating na tama ang kanilang ipinaglalaban.

Sa ngayon ay marami sa kanilang miyembro ang nagpahayag ng pagsuporta sa tatlong araw na tigil pasada.