-- Advertisements --

Natanggap na ni Manila Archbishop Cardinal Jose Fuerte Advincula ang pallium na mula kay Pope Francis.

advincula

Pinangunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Most. Rev. Charles Brown ang pagkakaloob ng pallium kasabay ng misa sa Minor Basilica of the Immaculate Conception o kilala bilang Manila Cathedral sa Intramuros, Maynila.

Ang pallium na isang puting woolen stole o balabal ay isinusuot sa balikat ng arsobispo na nagpapakita ng pagkakaisa sa Santo Papa at responsibilidad para alagaan ang mga tao.

Dahil sa COVID-19 pandemic ay binago ang tradisyon na mismong ang Santo Papa ang naglalagay nito sa isang seremonyas sa Vatican kasabay ng pagdiriwang ng kapiyestahan ng Sts. Peter and Paul.

Taong 2015 nang inatasan na ng Santo Papa ang mga nuncio nito na sila na ang maglalagay ng mga pallium sa mga bagong talagang arsobispo.

Sinabi naman ni Archbishop Brown na ang pallium ay sumisimbolo sa responsibilidad ng arsobispo gaya ng mga pinalitan nito hindi lamang sa kaniyang nasasakupang archdiocese at sa halip ay maging sa buong ecclesiastical province na binubuo ng diocese ng Antipolo, Cubao, Imus, Kalookan, Malolos, Novaliches, Paranaque, Pasig at San Pablo.