Nanindigan si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na hindi siya mag-eendorso ng sinumang kandidato sa 2025 Midterm Elections.
Ayon kay Advincula, welcome pa rin ang mga kandidato na pumunta sa Archdiocese of Manila ngunit hinding-hindi umano niya ibibigay ang kaniyang endorsement kaninuman.
Ayon pa sa arsobispo, bukas siyang makipagkita sa sinumang kandidato ngunit ito ay upang magbigay lamang siya ng spiritual guidance.
Kung makukuhanan man ito ng larawan kasama ang isang kandidato, sinabi ni Advincula na hindi ito dapat tratuhin bilang pag-endorso ng Catholic Church.
Ayon pa kay Advincula, sinumang kandidato ay may karapatang humingi ng guidance mula sa simbahan at blessing o pagpapala mula sa arsobispo, na malugod din niyang ibibigay sa mga ito.