Pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang pagdiriwang ang Chrism Mass Renewal of Commitment to Priestly Service ng mga pari na sakop ng kanilang archdiocese.
Bago ang Chrism Mass ay nagkaroon muna ang mga ito ng morning prayer kaninang alas 6:30 ng umaga. Ang Chrism Mass ay angannual blessing ng Chrism Oil at ang Oil of the Sick na ginagamit sa mga sakramento ng Simbahan.
Nakasama ng obispo sa kanyang misa ang mga pari at deacons bilang tanda ng pagkakaisa at pagkakapatiran ng obispo at ng kanyang kaparian.
Sa naging homily ni Cardinal Advincula, binigyang diin nito ang kahalagahan ng pananampalataya sa mga paring katoliko. Ayon kay Advincula, ang mga paring walang prayer life at mga paring walang love life. Sinabi pa nito na ikamamatay ng isang pari kung hindi ito magdarasal at magmahal sa diyos.
Kaugnay niyan, narito pa ang bahagi ang naging Holimiya ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.
Samantala, pagsapit ng alas 5 ng hapon ay pangungunahan ni Advincula ang isang misa bilang paggunita sa Huling Hapunan ni Hesukristo kasama ang Kanyang mga alagad.
Pangungunahan din niya ang Stations of the Cross na magsisimula sa alas-9 ng umaga at ang Misa para gunitain ang Pasyon ng Panginoon sa alas-3 ng hapon. sa Biyernes Santo.
Samantala, ang Easter Vigil Mass ay nakatakda sa alas-8 ng gabi. sa darating Black Saturday (Marso 30).
Sa Linggo naman ng Pagkabuhay, ang mga misa sa Katedral ay alas-8 ng umaga, alas-10 ng umaga at alas-6 ng gabi.
Sa panahon ng Semana Santa, ginugunita ng mga Katoliko ang paghihirap, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesukristo.