-- Advertisements --
Itinalaga ni Pope Francis si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle bilang bagong namumuno sa isa sa top congregation ng Vatican.
Nitong Linggo ay inanunsiyo ng Vatican na si Tagle ay ang siyang magiging Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples.
Magiging responsable ang nasabing departamento sa pagpapalawak ng Catholic faith sa pamamagitang missionary works at ilang kahalintulad na aktibidad.
Tinatawag na “Red Pope” ang posisyon na kahalintulad ng Cabinet secretary to the Roman Pontiff.
Papalitan ni Tagle si Cardinal Fernando Filoni, na itinalaga bilang Grand Master of the order of the Holy Sepulcher.