Hinikayat ng Manila archdiocese ang mga simbahan na ipatupad ang Holy Hour para ipanalangin ang kapayapaan sa Holy Land.
Sa inilabas na order circular ng Archdiocese of Manila, hinikayat nito ang mga parokya at komunidad na magtipon-tipon upang manalangin ng Adoration of the Blessed Sacrament/holy hour at pagrorosaryo sa darating na Oktubre 17, 2023 o kahit anong araw.
Dagdag pa ng archdiocese na ipapadala nito ang isang special prayer na inihanda ng Archdiocesan Liturgical Commission.
Nakasaad rin sa inilabas na circular na ang kautusan ay alinsunod sa panawagan ng Latin Patriarch ng Jerusalem Pierbattista Cardinal Pizzaballa para sa panalangin at pag-aayuno para sa kapayapaan ng Holy Land.
Kung maalala, aabot sa 1,300 ang napatay habang 1, 949 naman ang sugatang naitala sa Gaza at sa West Banks na dalawang teritoryo ng Palestinian State.
Nagpapatupad na rin ng mandatory evacuation ang Department of Foreign Affairs para sa mga Pilipino na nasa Gaza matapos nilang itaas ang alert level 4 sa lugar.