-- Advertisements --

Magsasagawa ang Manila archdiocese ng “penitential walk” ngayong umaga ng Huwebes para sa pag-aalay ng simbahan sa mapayapang halalan.

Dadaluhan ito ng mga pari mula sa iba’t-ibang simbahan sa Maynila at mga iba’t-ibang religious congregation.

Isasabay ang aktibidad sa ika-150th anibersaryo ng martyrdom ng tatlong pari na sina Mariano Gomez, José Burgos at Jacinto Zamora o kilala bilang GomBurZa.

Magkakaroon ng misa muna sa Manila Cathedral ng alas-9:00 ng umaga na pangungunahan ni Cardinal Jose Advincula.

Matapos ang misa ay doon isasagawa ang penitential walk mula sa Cathedral sa Intramuros at patungong GomBurZa memorial marker sa Luneta Park at didiretso sa Shrine of Nuestra Senora de Guia sa Ermita.

Isasagawa ito bilang bahagi ng sakrispisyo ng mga pinaslang na mga pari at alay na rin sa darating na halalan.