Pinuna ng isang grupo ng mangingisda ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga reclamation projects sa Manila Bay.
Sa halip na mga reclamation project, sinabi ng National Federation of Small Fisherfolk Organization in the Philippines na kailangan ng DENR na magpatupad ng mga programang rehabilitasyon sa Manila Bay.
Ito ay para makasunod sa writ of continuing mandamus na inilabas ng Supreme Court (SC) noong 2008.
Sinabi ng Philippine Reclamation Authority (PRA) na natapos ng DENR ang compliance audit sa mga natigil na reclamation projects sa Maynila, Las Piñas, Navotas, at Bacoor.
Dagdag dito, hindi bababa sa 2,400 ektarya ng tubig-dagat ang maaapektuhan ng programa sa mga lungsod.
Sinabi ni PRA Assistant General Manager Joseph Literal na pagkatapos makatanggap ng compliance certificate, nagkaroon na ng go signal ang ahensya sa mga reclamation projects partikular na ang sa Manila Bay.