Pinawi ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang mga pangamba tungkol sa kanyang kalusugan matapos na magpositibo ito sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa pahayag ni Pabillo, nalaman nito na dinapuan na rin siya ng sakit matapos nitong matanggap ang resulta ng kanyang Reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test.
Pero sinabi ng obispo, wala naman aniya siyang nararamdamang anumang sintomas ng COVID-19.
Sa ngayon, sinabi ni Bishop Pabillo na kasalukuyan itong naka-quarantine at sinusunod nito ang mga umiiral na health protocols.
Patuloy din ang mag-monitor sa kanyang kondisyon, at kumakain daw ito ng masusustansyang mga pagkain.
Nasabihan na rin daw ang kanyang mga nakasalamuha na sumailalim sa kinakailangang safety measures.