Bukas na raw ang Manila Cathedral sa mga pilgrims para sa Lenten season.
Nagsimula na ngayong umaga ang holy Mass para sa opisyal na pagsisimula ng Lenten pilgrimage season.
Pangungunahan naman ni Fr. Kali Pietre M. Llamado ang misa ngayong araw sa Manila Cathedral.
Pagkatapos ng misa, ie-expose naman ng pari sa mga pilgrims ang Jubilee Cross kung saan nakalagay ang relic ng totoong krus ng ating panginoon.
Dadalhin din nito ang Most Holy Sacrament sa adoration chapel kasabay ng muli nitong pagbubukas sa mga pilgrims.
Ang pilgrimage ay ang pagbiyahe sa mga destinasyon gaya ng holy site, outdoor space o maging sa mga malalapit sa mga bahay para maging malapit sa Panginoon.
Ang 40-day Lenten Season ay nagsimula noong Pebrero 22 sa pamamagitan ng Ash Wednesday.
Ito ay period ng pagdarasal, sakripisyo at charity para sa mga Katoliko.