Patay ang isang piskal matapos tambangan kaninang dakong alas-11:05 ng umaga sa panulukan ng Quirino Avenue at Anakbayan St., sa lungsod ng Maynila.
Kinilala ni MPD Station 5 chief Lt. Col. Ariel Caramoan ang biktima na si Prosecutor Jovencio Senados Bagares, chief inquest ng RTC Manila.
Sa inisyal na imbestigasyon, nakaligtas ang driver pero dead on the spot ang piskal.
Makikita sa pulang kotse sa passenger side na tadtad ito ng tama ng mga bala mula sa hindi pa matukoy na uri ng baril.
Puspusan naman ang paghahanap ng Manila police sa mga suspek sa posibleng dinaanan na agad na tumakas sakay ng black SUV.
Sa ngayon patuloy ding inaalam ng mga otoridad ang motibo sa pangyayari, gayundin kung may kinalaman sa trabaho ng biktima ang krimen.
Inimbitahan na rin ng mga imbestigador ang driver ni Bagares para sa kaukulang mga pagtatanong.
Samantala, agad ding kinondena ng grupo ng mga prosecutor ang pangyayari.
Si DOJ Secretary Menardo Guevarra ay hiningi rin ang tulong ng NBI sa imbestigasyon sa naturang ambush-slay case sa Manila chief inquest prosecutor.