-- Advertisements --
Nagpasa ng ordinansa ang city council ng lungsod ng Maynila sa pagbabawal sa mga mananakay na sumabit sa mga pampasaherong jeepney.
Ang nasabing “Bawal Sabi on Public Utility Vehicles” ordinance ay kailangan ng pirma ni Manila City Mayor Honey Lacuna at magiging epektibo lamang ito matapos ang 15 araw ng ito ay mapirmahan.
Sinabi ni Manila City councilor Martin Isidro Jr ang may akda ng ordinansa na ang pangunahing pakay ng nasabing ordinansa ay para sa kaligtasan ng mga mananakay.
Nakasaad sa nasabing ordinansa na ang mga pasahero, drivers at konduktors ay mapaptawan ng P500 sa first offense, P1,500 sa second offense at P3,000 sa third offense.