-- Advertisements --

Nakatakdang magpasa ng resolution ang Manila City Council para ideklara ang Agosto 4 bilang Carlos Yulo Day.

Ang nasabing araw kasi ay siyang magkasunod na araw na nakakuha ng gintong medalya si Pinoy gymnast Carlos Yulo sa katatapos na Paris Olympics.

Sinabi ni Manila City Mayor Honey Lacuna na ngayong araw ng Huwebes ay magpapasa ang City Council ng Maynila ng resolusyon.

Ang 24-anyos na si Yulo ay residente ng Maynila kung saan unang nakamit nito ang gintong medalya noong Agosto 3 at pangalawa ay noong Agosto 4.