Plano ngayon ng Manila City Government na gamitin ang bagong renovated na Manila Zoo bilang vaccination sites para sa mga senior citizens at mga bata na may edad 5-11.
Kasunod ito sa naging pahayag ng national government simulan ang pediatric vaccination sa unang linggo ng Pebrero.
Isa sa magandang lugar para sa nasabing pagpapabakuna ay ang Manila Zoological at Botanical Garden dahil sa ang 5-hektarya ng recreation facility ay maraming open spaces.
Pagkatapos aniya ng mga bakunahan ay maaring makapasyal ang mga bata kasama ang kanilang mga lola at lolo na mamasyal.
Magkakaroon na rin aniya sila na tila pasilip sa bagong gawang Manila zoo at marami ang mapasyalan sa nasabing lugar.
Bubuksan ang bakunahan sa Manila Zoo kahit na hindi residente ng lungsod ng Maynila.