Inayos na ng lungsod ng Maynila ang ilang sistema ng mass vaccination.
Kasunod ito ng maraming reklamong natanggap ng lungsod dahil sa pagdagsa ng mga nais na magpabakuna kahapon.
Ayon sa advisory ng Manila City government na bukas lamang ang vaccination center mula alas-sais ng umaga hanggang 7 p.m.
Gagawin ang first dose ng A1-A5 priority groups sa San Andres Sports Complex kung saan mayroon lamang nakalaan na 2,000 doses.
Kailangan maipresenta ang printed waiver form o QR code para sa verification.
Mayroon namang tig 500 doses ang inilaan para sa first dose vaccination schedule ng A1-A5 priority groups sa iba’t-ibang pagamutan ng Maynila gaya sa Sta. Ana Hospital, Ospital ng Maynila, Gat Andres Bonifacio, Justice Jose Abad Santos, Ospital ng Sampaloc at Ospital ng Tondo.
Habang mayroong inilaan na tig-1,500 sa mga iba’t-ibang elementary school sa anim na distrito ng Maynila.
Gagawin naman ang second dose vaccination sa mga mall gaya kungsan mayroong 2,000 doses ang inilaan sa SM San Lazaro, 1,900 doses sa SM Manila, 1,998 doses sa Robinsons Place Manila at 2,000 doses sa Lucky Chinatown Mall.
Magugunitang dinagsa ng mga nais magbakuna ang San Andres Coliseum kahapon ng mga nais magpabakuna dahil sa banta ng Delta variant ng COVID-19.
Sinamantala ng mga tao ang walang pasok dahil para sila ay magpabakuna.