-- Advertisements --

Binuksan na ng Manila City government ang pagpapabakuna sa mga may edad 12 hanggang 17-anyos.

Sa panawagan ng Manila City government ay dapat magkaroon ng vaccine registration websites.

Paglilinaw naman ng Manila LGU na registration lamang muna ang gagawin dahil hindi pa pinapayagan ng national government ang pagpapaturok ng COVID-19 vaccines sa mga nasa ganun na edad.

Tiniyak din nila na kapag napayagan na ay agad nilang isasagawa ang pagtuturok ng mga bakuna.

Kasabay din nito inanunsiyo nila ang pagbubukas ng mga drive-thru vaccination slots mula sa Setyembre 13 hanggang Setyembre 19 na mayroong 1,400 slots.

Masaya ring inanunsiyo ng Manila City government na umabot na sa mahigit isang milyong ang fully vaccinated individual sa lungsod.