-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Manila City Government ang pagdagdag ng tablets para sa mga mag-aaral ng lungsod.

Aabot sa 57,622 na Android tablets ang dagdag na binili ng Manila City government.

Ang nasabing bilang ay bukod pa sa naunang 132,217 na tablets para sa mga mag-aaral ng lungsod.

Dinagdagan din ng lungsod ang kanilang data allocation kung saan bawat sim card ay mayroong 20 Gigabytes kada buwan sa mga guro at learners mula sa dating 10 GB.

Magugunitang ipinatupad ng Department of Education ang distance learning dahil sa COVID-19 pandemic.