-- Advertisements --
Maglalabas ang Manila City government ng quarantine pass sa lahat ng mga barangay na nasasakupan nito para malimitahan ang paggalaw ng mga tao matapos na ilagay ng national government sa enhanced community quarantine (ECQ).
Ayon sa Manila Public Information office na ang mga punong barangay ay magbibigay ng isang quarantine pass sa bawat isang pamilya.
Nakasaad din sa memorandum na inilabas ni Manila Mayor Isko Moreno ang schedule ng mga nakatalagang family member na lalabas at dedepende rin ito sa control number na nakasaad sa quarantine pass.
Magugunitang noong nakaraang taon ay naglabas na rin ng quarantine pass sa bawat pamilya para maiwasan ang pagsisiksikan gn mga tao sa mga palengke at maiwasan ang pagkakahawaan ng COVID-19.