-- Advertisements --

Nagbigay na ng advance payment ang Manila City Government para sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno, aabot sa P38.4 million ang ibinigay na bilang advance payment para sa pagbili ng 800,000 doses ng British drug firm na AstraZeneca vaccine.

Ang nasabing halaga ay 20 percent ng kabuuang pondo na inilaan para sa pagbili ng bakuna.

Ang nasabing bilang ng doses ay tama lamang na bakuna para sa 400,000 mamamayan ng Maynila.

Dagdag pa ng alkalde na ang hakbang ay matapos na payagan sila ng national government ang mga local government unit (LGU) para mapabilis ang pagbili ng bakuna.

Noong nakaraang buwan kasi unang-una ang Manila city government na pumasok sa tripartite agreement ng AstraZeneca at National Task Force against COVID-19.

Aabot na rin sa 88,000 na katao sa Maynila ang pumirma na nais magpabakuna laban sa COVID-19.