-- Advertisements --

Natapos na ng lungsod ng Maynila ang pamamahagi ng cash assistance mula sa national government.

Ito mismo ang kinumpirma ni Manila City Mayor Isko Moreno kung saan nakamit na nila ang kanilang target na matapos ang pamamahagi ng ayuda.

Ipinagmalaki pa nito na apat na araw bago ang itinakdang deadline sa Mayo 15 ay natapos nila ang nasabing pamamahagi ng pera.

Sa nasabing listahan 20,335 ang nasa vulnerable groups, 9,072 ang resident in left-out barangay, 6,421 ang persons with disabilities at 4,241 ang solo parents.

Magugunitang naglaan ang national government ng P22.9 bilyon bilang ayuda sa mga naapektuhan ng muling pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine sa National Capital Region, Rizal, Bulacan, Cavite at Laguna.