-- Advertisements --
Patuloy ang pagkuha ng Manila City government ng mga karagdagang medical frontline workers para lalong mapalakas ang health care capacity lalo na ngayon panahon ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na mayroong panibagong 45 na medical frontliners ang kanilang kinuha na sila ay itatalaga sa Ospital ng Maynila at ang lima ay Ospital ng Sampaloc.
Dagdag pa ng alkalde na mayroong mga kwalipikadong medical workers ang kanilang kukunin para tulungan ang residente na dinadapuan ng COVID-19.
Sa kasalukuyan kasi ay mayroong 50,872 na kabuuang kaso sa Manila kung saan 995 ang nasawi at 45,586 ang gumaling na.