Pinapasagot na ni Manila City government ang diagnostic center dahil sa hindi tamang pagtatapon ng nasa 200 na gamit na rapid test kits sa Sampaloc.
Ayon kay Bureau of permits officer-in-charge Levi Facundo, nagtungo na ito sa CP Diagnostic Center sa Quiapo para pagpaliwanag sa hindi tamang pagtatapon ng test kits.
Binalaan din ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga klinika at laboratories na kaniyang ipapasara ang mga ito kapag hindi tama ang pagtatapon nila ng mga basura.
Magugunitang ikinagalit ni alkalde ang kumalat na video sa social media kung saan nagkalat ang mga gamit ng rapid test kit na nakalagay sa mga sako at hinahakot ng mga basurero sa kahabaan ng Sampaloc.
Maging ang Department of Environment and Natural Resources ay magsasagawa rin ng imbestigasyon sa nasabing insidente.