Sinimulan na ng Department of Social Welfare sa lungsod ng Maynila ang pagsampa ng kaso laban sa mga magulang na nagpapabaya sa kanilang mga menor de edad na anak na pakalat-kalat sa kalsada.
Mula ng ipinag-utos ni Manila City Mayor Isko Moreno, ang direktiba na dapat kasuhan ang mga magulang ng mga bata na pagala-gala ay walang humpay ang pagsasagawa ng pag-aresto ng mga otoridad.
Kasama ng Manila Disaster Management Team ay nilibot nila ang iba’t-ibang kalsada ng lungsod.
Karamihan sa mga naarestong mga menor de edad ay naaresto sa kahabaan ng OsmeƱa corner Quirino High Way, Taft Avenue, Quezon Bridge, at Rizal Avenue.
Sinabi ni Manila Department of Social Welfare Director Re Fugoso, na responsibilidad ng magulang na bantayan ang kanilang anak na pagala-gala para hindi sila madapuan ng sakit.
Magugunitang ipinatupad ng alkalde ang City Ordinance 8243 o Anti-Child Endangerment Ordinance of the City of Manila.