Nakahanda na ng Manila City government sa matinding trapiko at pagdami ng mga tao na dadalo sa National Rally of Peace ng Iglesia Ni Cristo ngayong araw ng Lunes, Enero 13.
Sinabi ni Atty. Princess Abante, ang tagapasalita ng Office of the Manila Mayor, na maghapon nitong Linggo ay inihanda ng Manila Traffic and Parking Bureau ang mga kalsada patungo sa Quirino Grandstand ang lugar kung saan gaganapin ang pagtitipon.
Nagpatupad na rin sila ng rerouting at pagsasara ng kalsada para maging magaan ang daloy ng trapiko.
Pinayuhan na lamang nito ang ilan na hindi naman lalahok sa rally na huwag ng dumaan sa Maynila dahil sa asahan ang matinding trapiko.
Magugunitang kinansela ng Malakanyang ang pasok sa paaralan at opisina sa lungsod ng Maynila at Pasay dahil sa gaganaping kilos protesta.