-- Advertisements --

Nagkukumahog umano ang city government ng Maynila na mamahagi ng face mask sa kanilang mga residente matapos ang mahigpit na utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na aarestuhin ang hindi nagsusuot ng face mask.

Sa kasalukuyan kasi ay umaabot na sa mahigit 263,246 ang naipamahagi ng Public Employment Service Office ng Maynila kung saan target nila ay makapagbgiay ng 1-million na face mask sa buong lungsod.

Isang paraan ito ng mga livelihood program na naglalayong makapagbigay ng 1 milyong face mask sa mga residente doon.

Umaasa ang city government na matapos ang pamamahagi ng lockdown sa mga susunod na buwan.