-- Advertisements --

Mayroong 91 na mga truck ng basura ang walang tigil na umiikot sa lungsod ng Maynila para mangulekta ng mga basura matapos ang Holiday season.

Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, nakakulekta ng apat na beses ang dami ng mga basura mula sa regular na basura na kanilang nakukuha.

Nagtatrabaho ng 24 oras ang kanilang mga waste collections para tuluyang makulekta ang mga basura.

Binibilisan nila ang paghahakot ng mga basura bilang paghahanda na rin sa kapiyestahan ng Itim na Nazareno sa darating na Enero 9.