-- Advertisements --

May kaparaanan na ginagawa ngayon ang Manila City Jail para malabanan ang matinding init ng panahon.

Nasa 250 percent kasi ang congestion rate ngayon ng Manila City Jail.

Aabot sa mahigit 3,000 na inmates ang nakapiit doon na ang dapat lamang ay 1,000 na persons deprived of liberty (PDL).

Ayon sa pamunuan ng Manila City Jail na naglagay na sila ng industrial fan ganun din ay inayos na nila ang ventilation sa lugar para makapasok at makalabas ng hangin.

Una ng iniutos na rin ng Bureau of Corrections sa lahat ng mga jail facilities na dapat ay ayusin ang ventilation para hindi magkasakit ang kanilang mga inmates.