-- Advertisements --

Binuksan ng Manila City Jail ang mga Motel-type room nito para magamit ng mga preso ngayong Valentine’s Day.

Ayon kay Jail Warden Supt. Lino Soriano, ito ay isa sa mga special treat ng kulungan para sa mga inmate at sa kanilang mga asawa.

Ang mga naturang kwarto ay may air-condition, nalagyan din ng decorations tulad ng red baloons at heart design para makagawa ng romantic athmosphere para sa mga mag-aasawa.

Binibigyan ang bawat magkakapareha ng 15 mins upang manatili sa loob.

Ayon kay Supt. Soriano, nais ng jail management na magkaroon ng intimate moment ang mga presong kasama ang kanilang mga asawa at mga legal partner kasabay ng love month.

Para matiyak ang kalinisan, pinapadala naman ang mga bisita ng kanilang sariling mattress.

Iginiit ng jail management ang kahalagahang mapanatili ang personal hygiene para sa kapakanan ng bawat isa.