-- Advertisements --

Tutol ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa panukalang paglilipat ng Manila Zoo sa Masungi Georeserve sa lalawigan ng Rizal.

Ayon kay Manila City Mayor Honey Lacuna ang mungkahi ni Senador Francis Tolentino ay makakasira lamang sa matagal nang kasaysayan ng Maynila.

Aniya, gumagawa naman sila ng hakbang para masiguro ang kaligtasan ng mga hayop na kasalukuyang inaalagaan sa loob ng Zoo.

Giit ng alkade , kung ililipat ito sa Masungi Georeserve ay hindi na ito matatawag na Manila Zoo.

Kung maaalala, ginawa ni Sen. Tolentino ang rekomendasyon upang mapabuti aniya ang kalagayan ng mga hayop at maibalit sila sa kanilang natural habitat.