-- Advertisements --

Sinuspinde ng City Government ng Manila ang klase sa lahat ng antas sa araw ng Lunes, Enero-13, kasabay ng National Peace Rally na ilulunsad ng Iglesia ni Cristo.

Ito ay nakapaloob sa pinirmahang Executive Order No. 2 Series of 2025 ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan.

Nakasaad sa naturang EO na ang suspension ng pasok sa mga eskwelahan at trabaho ay upang maiwasan ang pakikipagsiksikan sa lungsod ng Maynila kasabay ng inaasahang pagdagsaan ng mga magsasagawa ng rally.

Sa mga eskwelahan, suspendido ang pasok sa anumang lebel, mapa-pribado man o pampubliko, in-person man o online.

Kasabay ng suspension ng pasok sa mga opisina ng LGU Manila, hinihikayat din ang mga pribadong kumpaniya na magsuspinde ng pasok sa naturang araw.

Samantala, ang suspension ng pasok sa mga national government agencies na nasa Manila City ay nasa discretion o pagpapasya ng management o head of office.