-- Advertisements --
Nakatutok ang Manila Economic Cultural Office (MECO) sa Taiwan upang alamin ang kalagayan ng mga Pilipino sa nasabing teritoryo.
Ito ay matapos mangyari ang malakas na lindol sa Taiwan nitong Miyerkules ng umaga.
Ayon kay Alice Visperas, MECO deputy resident representative ay wala pang naitatalang nasugatan o nasawi habang patuloy pa rin ang kanilang pakikipag-uganayan upang matiyak na ligtas ang mga Pilipino sa naturang bansa.
Samantala, siniguro naman ng MECO na wala sa kanila ang nagtamo ng anuman pinsala dulot ng hindi inaasahang pagyanig.