-- Advertisements --
image 470

Binigyang diin ng Manila international airport authority, na walang nangyayaring suhulan o bayaran sa likod ng issue ng human trafficking sa bansa.

Una ng sinabi ni Senator Raffy Tulfo, na maaring nagkaroon ng turf war sa mga ahensya ng gobyerno, na tumutukoy sa Manila international airport authority, Bureau of Immigration, Bureau of Customs at gayundin sa aiport authorities maging sa Civil aviation authority of the philippines.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Philippines kay Manuel Gonzales, ang Assistant General manager ng security at service test ng Manila international airport authority ayon sa kanya, wala pa naman umanong insidente ng bayaran at patuloy na rin naman nagiimbestiga ang kanilang ahensya ukol rito.

Dagdag pa rito, mayroon na rin umanong initial result sa insidente na nangyari nong February 13 kung saan nakaalis sa Ninoy Aquino International Airport ang isang private plane na hindi naicheck ng kanilang security personnel.

Sa ngayon, patuloy ang kooperasyon ng Manila international airport authority sa iba’t ibang ahensya upang mas malaman pa ang dahilan kung bakit nangyayari ang insidente ng human trafficking sa Pilipinas.