-- Advertisements --
image 13

Inihayag ng Manila International Airport Authority (MIAA) na hindi nito itinatanggi ang posibleng pagkakasangkot ng mga tauhan nito sa pag-iisyu ng mga pekeng exit pass sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) upang mapadali ang pag-alis ng mga na-traffic na indibidwal.

Ito ang sinabi ni Manila International Airport Authority (MIAA) senior assistant general manager Bryan Co nang hingan ng komento hinggil sa pahayag ng isang senador na dapat tanungin ang naturang airport dahil ang ID pass na ibinigay sa isang biktima ng human trafficking ay kanilang inisyu.

Sinabi pa ng isang mambabatas na may kasabwat na sindikato sa loob ng nasbing ahensya.

Saad ni Co, hindi daw nila umano ma-rurule out na mayroon silang mga posibleng iba’t-ibang mga elements o tauhan na gumagalaw sa loob ng airport na maaaring naging kasabwat sa naturang isyu.

Sa ngayon, patuloy pa ding iniimbestigahan ng mga awtoridad ang kontrobersyal na isyu sa mga pekeng access pass ng nasabing paliparan. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)

Top