Bilang paghahanda sa epekto ng transportation strike ng iba’t ibang transport groups hinimok ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang lahat ng mga air passengers na mas maagang pumunta kumpara sa karaniwang tatlong oras bago ang flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sinabi ng Manila International Airport Authority na asahan na kasing magreresulta sa limitadong public transportation options para sa mga pasahero na bibiyahe papasok at palabas ng NAIA terminals.
Una nang naglatag ng contingency measures ang mga local airline companies at airline service providers para siguruhing minimal o hindi naman kaya ay walang work interruption sa kanilang operasyon.
Kaugnay nito, nagbigay na rin ng direktiba si Manila International Airport Authority General Manager Cesar Chiong sa deployment ng Manila International Airport Authority shuttle buses patungo at pabalik ng Dasmariñas Cavite para sa kanilang mga empleyado na naninirahan sa ilang bahagi ng Cavite.
Ang mga empleyado namang naninirahan sa kalapit na lungsod gaya ng Makati, Quezon City at Manila at ang mga nakatira sa Bulacan at Laguna areas ay inabisuhan ikonsidera ang pananatili muna sa mga opisina dahil mayroon namang temporary sleeping quarters para sa mga ito.
Ang dati rin umanong Nayong Pilipino administration building na inookupa ngayon ng Manila International Airport Authority ay mayroon ding ilang shower rooms na pwedeng gamitin ng mga empleyado.