Tiniyak ng Manila International Airport authority na mas magiging convenient ang magiging biyahe ng mga pasahero ngayong darating na holy week
Una rito, inaasahan na kasi na aabot sa 140, 000 ang pasahero kada araw sa terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport sa darating na Semana Santa.
Ayon nga kay Manila International Airport authority Senior Assistant General Manager Bryan Co Inaasahan na napakaraming pasahero ang dadagsa sa NAIA dahil ito ang first Holy Week na bukas ang ating borders mapa domestic flights at international flihts.
Samantala, Hindi lamang ito hanggang Abril dahil maeextend pa hanggang May para naman sa summer vacation. Marami na rin kasing bansa ang nagbukas ng kanilang borders sa huling tatlong buwan.
Maglalagay din umano sila ng assistance kiosks at dagdag na CCTV sa iba’t ibang bahagi ng paliparan upang masiguro na matutugunan agad ang mga posibleng maging reklamo ng mga pasahero.