Inanunsiyo ng organizers ng Manila International Film Festival (MIFF) na sa buwan ng Marso na matutuloy ang kanilang event ngayon taon.
Kasunod ito sa ginawang pagpaliban ng nasabing event matapos ang naganap na malawakang wildfires sa California.
Ayon sa organizers na itutuloy na lamang nila ang event sa darating Marso 4 hanggang 7.
Ang MIFF ay isang independent entity ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ay nagsimula noong Enero 2024 kung saan ito ay nai-screen sa 2023 MMFF entries sa Hollywood.
Ngayong taon ay kasama ang mga pelikulang : The Kingdom,” “And the Breadwinner Is…,” “Green Bones,” “Isang Himala,” “Hold Me Close,” “My Future You,” “Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital,” “Espantaho,” “Topakk” and “Uninvited” at ang 2024 blockbuster na “Hello, Love, Again” maging ang ilang classic na Pinoy movie.