-- Advertisements --
Nakatakdang maglunsad ang Manila Local Government Unit ng libreng bakuna kontra rabies na handog para sa kanilang mga residente.
Ito ay isasakatuparan ng Pamahalaan ng Lungsod ng Maynila katuwang ang JCI Manila, Veterinary Inspection Board of Manila at ilang mga sponsors.
Ito rin at isasagawa upang matiyak ang kaligtasan ng mga alagang hayop at maging ng kanilang komunidad mula sa panganib na dulot ng nasabing sakit.
Mahalaga raw kasi ito lalo na at ang rabies ay isang nakamamatay na sakit na maaaring mailipat mula sa hayop patungo sa tao.
Mangyayari ito sa darating na Hunyo 22 sa ganap na alas-otso ng umaga hanggang alas onse ng tanghali sa Brgy. 678 zone 74 sa Paco Maynila.